A memory of bones
I’ve just had my wisdom teeth pulled out and so here I am, buzzed with painkillers and taking a break from lying in the sofa the whole day. It’s a rare thing these days — staying home on a Tuesday, watching afternoon soaps — since I started working full time in September. I’m trying to enjoy this rare but welcome break from the bustle of work, and although my mind is dazed from painkillers, the memories that come visiting on Tuesday afternoons are crystal clear. One of them, the memory of a man I met only through the papers, and whose bones have occupied my dreams for a long time. It was a time before high speed internet and boerenkool, a time of modems and part-time jobs, of roaming the malls in the middle of the day. It was a time when poetry dripped from isaw and stirred in the heat of tropical nights.
tatang, ano’ng pangalan niyo? at saan
kayo nakatira? ibig kong sabihin,
bago kayo nagpaampon sa kalsada,
mayroon din ba kayong pamilya,
kaibigan, sinisinta?
ano po bang nangyari, at bakit kayo naglagalag?
tulad niyo ba akong hindi alam
ang patutunguhan,
o wala na kayong mapuntahan?
Tatang, bakit di ko kayo nakita?
lagi ko namang binabaybay ang ilalim
ng lrt tapat ng pgh, pero
maski anino ninyo sa sulok
ng aking mata’y – wala!
yung iba namang matanda,
pinagliliwanag ang usukang kalsada
ng kanilang mga ngiti,
o kaya’y binabasag ang hangin
ng kanilang malamlam na tingin.
meron din naghahasik ng lumbay
sa kanilang bawat kay bagal
na paggalaw —
pero kayo, ‘tang,
wala kayong hinabilin.
di ko man lang kayo nabigyan
ng pangalan, o istorya, o kasama –
hindi kayo nagparamdam
sa inyong paglisan.
pumanaw kang nakatalikod sa aming lahat.
wala kang iniwang alaala
maliban sa litrato ng iyong mga
pambihirang buto.
animo’y likhang-sining,
kay kisig ng hugis,
binabanat ang balat,
o mahigpit bang niyayakap?
tatang, iniwan mo akong namamangha.
sinakop ang aking panaginip
ng pangitain ng iyong kahanga-hangang
naghuhumiyaw
na mga
buto.
“Here Lies Everyman,” sabi sa caption ng litrato ng matandang lalaking namatayTatang
sa ilalim ng LRT sa tapat ng PGH
tatang, ano’ng pangalan niyo? at saan
kayo nakatira? ibig kong sabihin,
bago kayo nagpaampon sa kalsada,
mayroon din ba kayong pamilya,
kaibigan, sinisinta?
ano po bang nangyari, at bakit kayo naglagalag?
tulad niyo ba akong hindi alam
ang patutunguhan,
o wala na kayong mapuntahan?
Tatang, bakit di ko kayo nakita?
lagi ko namang binabaybay ang ilalim
ng lrt tapat ng pgh, pero
maski anino ninyo sa sulok
ng aking mata’y – wala!
yung iba namang matanda,
pinagliliwanag ang usukang kalsada
ng kanilang mga ngiti,
o kaya’y binabasag ang hangin
ng kanilang malamlam na tingin.
meron din naghahasik ng lumbay
sa kanilang bawat kay bagal
na paggalaw —
pero kayo, ‘tang,
wala kayong hinabilin.
di ko man lang kayo nabigyan
ng pangalan, o istorya, o kasama –
hindi kayo nagparamdam
sa inyong paglisan.
pumanaw kang nakatalikod sa aming lahat.
wala kang iniwang alaala
maliban sa litrato ng iyong mga
pambihirang buto.
animo’y likhang-sining,
kay kisig ng hugis,
binabanat ang balat,
o mahigpit bang niyayakap?
tatang, iniwan mo akong namamangha.
sinakop ang aking panaginip
ng pangitain ng iyong kahanga-hangang
naghuhumiyaw
na mga
buto.


